Nasawi ang isang single mom na may anim na anak matapos masagasaan ng SUV sa Makati na minaneho ng isang 60-anyos na security guard na umano’y walang pahintulot.
Ayon sa CCTV, mabilis ang SUV at nasalpok si Amalyn Sim habang tumatawid.
Pauwi na siya noon galing sa trabaho. Limang iba pa ang nasaktan.
Ayon sa may-ari ng SUV, hindi nila pinayagan ang sekyu na imaneho ang sasakyan ngunit nagpumilit ito.
Nakadetine na ang sekyu at haharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, multiple injuries, at damage to property. RNT