MANILA, Philippines – TINIYAK ng Department of Health (DoH) na nakahanda ang lahat ng ospital sa anumang insidente sa gitna ng Mahal na Araw kung saan karamihan sa mga tao ay nasa bakasyon.
Binigyang diin ang pagtugon sa heat-related illnesses.
”So, let me say that the Department of Health has declared Code White on all our hospitals. That means, they are ready for the… iyong all the incidents that can happen for people traveling for this Holy Week,” ang sinabi Herbosa sa press briefing sa Malakanyang.
‘Number two, of course, our warnings for effects of heat illness especially for people going to hot areas like the beaches. So, very important, stay protected. So, sunscreen for those going out; hydration; and then, don’t stay too long in the sun, for those people,” ang sinabi pa rin ng Kalihim.
Tututukan at imo-monitor din aniya ng DoH ang mga insidente ng pagkalunod dahil karamihan sa mga taong nagbabakasyon ay nagpupnta sa beach ngayong Holy Week.
”And, of course, every Holy Week, nagkakaroon kami ng mga problems of drowning and near drowning so very important din to watch your family especially in these places where you are vacationing and relaxing, make sure do not drink and drive; do not text and drive; and follow the rules of the road,” ang sinabi ni Herbosa.
Nauna rito, binigyang diin ni DOH spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo ang kahalagahan ng tamang bentilasyon kapag nasa loob ng bahay.
Binigyang diin nito na kailangan na ‘hydration.’ Pinayuhan ang mga tao na uminom ng 7 hanggang 8 baso ng tubig araw-araw upang mapigilan ang heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke.
Pinayuhan din niya ang publiko na magkaroon ng regular breaks o “heat breaks” para mapigilan ang overheating.
Samantala, umaasa naman si Herbosa na walang magaganap na road rage incident sa mga byahero ngayong Semana Santa.
”Sana walang road rage kasi nga eh ano naman tayo ‘di ba, Holy Week, be patient and be kind to the other road users,” ayon kay Herbosa. Kris Jose