Home METRO Kelot itinumba sa kantang kinansel sa videoke

Kelot itinumba sa kantang kinansel sa videoke

ILOILO – Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa isang videoke bar sa Santa Barbara, Iloilo dahil sa iringan dulot ng pag-cancel ng kanta.

Ayon sa pulisya, kinansel ng suspek ang kanta ng biktima para siya ang makakanta.

Gumanti naman ang biktima at kinansel din ang kanta ng suspek.

Dahil dito, pinagbabaril ng suspek ang biktima na tinamaan ng apat na beses.

Tumakas ang suspek at patuloy na pinaghahanap ng mga pulis. RNT