MANILA, Philippines – Simulan na ang oil recovery operations sa ikatlong maritime incident sa Bataan na kinasasangkutan ng MV Mirola 1.
Sa impormasyong ibinahagi ng Philippine Coast Guard (PCG), sumadsad ang MV Mirola 1 sa katubigan ng Sitio Quiapo, Barangay Biaan, Mariveles, Bataan.
Manu-manong isinagawa ng PCG team ang pagsalok ng tumapong langis sa loob ng barko.
Inilalagay ng mga Coast Guard personnel sa malalaking drum ang nakolektang langis na dadalhin naman sa isang waste disposal facility para masigurong hindi makapagdudulot ng masamang epekto sa kalusugan ng mga residente.
Nauna nang nagsagawa ng drone aerial at survellaince at shoreline assessment ang PCG at PDRRMO-Bataan kung saan sumadsad ang barko.
Naobserbahan ang minimal oil sheens at bahagyang amoy ng diesel.oil sa nasabing lugar.
Nangolekta rin ng samples ang team para sa water sampling analysis. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)