Home HOME BANNER STORY Sirit-presyo sa gas, rollback sa diesel, kerosene nakaumang

Sirit-presyo sa gas, rollback sa diesel, kerosene nakaumang

256
0

MANILA, Philippines – Inaasahang magkakaroon ng halo-halong galaw sa presyo ng langis sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy.

Sinabi ni Rodela Romero, Assistant Director ng DOE-Oil Industry Management Bureau, na batay sa nakalipas na apat na araw ng international trading, tinatayang tataas ang presyo ng gasolina ng P0.70 kada litro, bababa ang diesel ng P0.45 kada litro, at bababa ang kerosene ng P0.25 kada litro. Hindi kasama sa estimasyon ang operating cost ng mga kumpanya at iba pang premiums.

Binanggit ni Romero na nakaaapekto sa inaasahang pagbabago ang geopolitical issues gaya ng pag-atake sa Russian oil infrastructure sa Ukraine, tensyon ng US at Venezuela, at global crude oil surplus.

“Final adjustments will be determined after Friday’s MOPS [Mean of Platts Singapore] trading,” ayon sa kanya. Nag-aanunsyo ang mga kumpanya ng opisyal na presyo tuwing Lunes, epektibo kinabukasan.

Noong December 2, tumaas ang gasolina ng P0.20 kada litro, habang bumaba ang diesel at kerosene ng P2.90 at P3.20, ayon sa pagkakabanggit.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here