Home METRO Sirit-presyo sa produktong petrolyo asahan sa sunod na linggo

Sirit-presyo sa produktong petrolyo asahan sa sunod na linggo

MANILA, Philippines – Inaasahang tataas ang presyo ng langis sa susunod na linggo matapos ang sunod-sunod na rollback, ayon sa Department of Energy (DOE).

Batay sa international trading, maaaring tumaas ng P0.60 hanggang P1.00 kada litro ang gasolina, P0.10 hanggang P0.50 ang diesel, at P0.10 hanggang P0.30 ang kerosene.

Ang pinal na presyo ay iaanunsyo matapos ang kalakalan sa Biyernes.

Ang pagtaas ay dulot ng tensyon sa Middle East, mga hakbang pang-ekonomiya ng China, at pagbawas sa suplay ng langis sa US. Ang mga kompanya ng langis ay nag-aanunsyo ng price adjustment tuwing Lunes, na ipinatutupad sa Martes.

Ngayong linggo, bumaba ang presyo ng diesel at kerosene, habang walang pagbabago sa gasolina.

Sa taong ito, tumaas ng P2.15 at P2.85 kada litro ang gasolina at diesel, habang bumaba ng P0.70 ang kerosene. RNT