Home HOME BANNER STORY Sirit-terminal fees sa NAIA, umarangkada na

Sirit-terminal fees sa NAIA, umarangkada na

274
0

MANILA, Philippines – Nagsimula nang magpatupad ng mas mataas na terminal fees ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Linggo, unang pagtaas sa loob ng dalawang dekada, ayon sa operator na New NAIA Infrastructure Corp. (NNIC).

Halos dumoble ang passenger service charge: ₱950 mula ₱550 para sa international departures at ₱390 mula ₱200 para sa domestic flights. Sinabi ng NNIC na ang dagdag, na itinakda ng gobyerno kasama ang Asian Development Bank bilang tagapayo, ay nagpapanatili pa rin sa NAIA bilang isa sa may pinakamababang singil sa Asia.

Mula nang pamahalaan ng NNIC ang paliparan noong nakaraang taon, nakapag-remit na ito ng ₱48.3 bilyon sa gobyerno, kabilang ang ₱30-bilyong paunang bayad, kung saan 82% ng kita ay diretso sa estado. Nakapagtala rin ang NAIA ng 51.7 milyong pasahero at 283,771 flights sa nakaraang taon, 6% na mas mataas kaysa noong 2023.

Ipinahayag ni NNIC President Ramon S. Ang na ipagpapatuloy ang mga modernisasyon, kabilang ang facial recognition system para sa check-in, baggage drop, security, at boarding. “What this first year has shown is that with teamwork, discipline, and the dedication of our people, real change is possible,” aniya.

Noong nakaraang taon, pumirma ang NNIC ng ₱170.6-bilyong kontrata para sa 25-taong operasyon, maintenance, at modernisasyon ng NAIA. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here