
MANILA, Philippines – INATASAN ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ang Sangguniang Panglungsod ng Maynila, sa pangunguna ni VM Yul Servo Nieto at tanggapan ng urban settlements office na baguhin ng sistema ng pabahay sa Lungsod ng Maynila.
Ang nasabing direktiba ni Lacuna ay ipinahayag kasabay ng isinagawang pagpapasinaya sa 20-palapag na Pedro Gil Residences at Pedro Gil Health Center kasama si Vice Mayor Nieto at 5th District Congressman Irwin Tieng.
Ayon kay Lacuna, nais nitong baguhin ang sistema ng pabahay sa lungsod at gawing “rent-to-own” ang condo units na mula sa P2,000 hanggang P3,000 buwanang renta ay mapapasakanila na ang tirahan sa tamang panahon.
“Kung dati ay habang buhay kayong magbabayad ng renta, simula ngayon, ang inyong buwan-buwang hinuhulugan, hindi na po pawang renta lang habang buhay. Ito po ay magiging pabahay na rent-to-own,” ani Lacuna.
