MANILA, Philippines – Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw ng Lunes, Agosto 24 ang situation briefing sa mga epekto ng enhanced southwest monsoon sa Central Luzon, kung saan tinalakay ang lawak ng pagbaha, pinsala, at kalagayan ng mga pamilyang naapektuhan sa rehiyon.
Tinalakay rin ang mga short-term, medium-term, at long-term na solusyon upang matugunan ang pagbaha sa Rehiyon.
Kabilang sa mga short- at medium-term na mga hakbang ay ang dredging at declogging ng mga daluyan ng tubig, pagtatayo ng mga flood gates at pumping station at sabo dam.
Tiniyak ni Pangulong Marcos ang patuloy na koordinasyon ng national at local governments upang mapabilis ang pagtugon at matugunan ang paulit-ulit na pagbaha sa Central Luzon. (KRIS JOSE)