Home NATIONWIDE Sitwasyon ng mga Pinoy sa Japan sa M-7.1 na lindol, inaalam pa

Sitwasyon ng mga Pinoy sa Japan sa M-7.1 na lindol, inaalam pa

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Migrant Workers (DMW) na sinusuri pa ng kanilang MWO Osaka ang sitwasyon sa Japan kung may mga apektadong mga Filipino Overseas Workers (OFW) kasunod ang magnitude 7.1 na lindol.

Ayon pa sa DMW, nakikipag-ugnayan na rin sila sa mga employer at pinuno ng Filipino Community sa apektadong lugar.

“MWO Osaka is still assessing the situation and coordinating with employers and FilCom leaders in the affected area,” ayon sa DMW.

Tumama ang magnitude 7.1 na lindol sa baybayin ng Miyazaki Prefecture nitong Huwebes, Agosto 8 dahilan para maglabas ng advisory para sa bahagi ng baybayin ng Kyushu at Shikoku.

Naglabas din ang Meteorogical Agency sa Japan ng alert warning para sa posibleng megaquake sa kahabaan ng Nankai Trough area, silangang baybayin ng Japan sa unang pagkakataon.

Ang epicenter ng lindol ay nangyari sa Hyuganada sea.

Sa kasalukuyan, inaalam pa ng DMW ang datos o bilang ng mga OFW na nasa apektadong lugar ng malakas na lindol. Jocelyn Tabangcura-Domenden