CEBU CITY, Philippines- Arestado ang isang youth leader sa bayan ng Tuburan sa northern Cebu matapos akusahan ng pagnanakaw ng pera mula sa assistant ng alkalde nitong Biyernes.
Kinilala ang suspek na si Matthew John Barangan, 21, Sangguniang Kabataan (SK) chairperson ng Barangay Bakyawan.
Sinabi ni Police Major Glenn Hife, hepe ng Tuburan Police Station, nakatanggap umano sila ng reklamo mula sa isa sa executive assistants ni Mayor Aljun Diamante nitong Biyernes ng umaga.
Iniulat ng assistant, kinilalang si Steve Salipot, na mahigit P30,000 cash ang nakatago sa isa sa kanyang mga bag ang nawala.
Nang rebyuhin ang surveillance cameras sa town hall, agad na nakilala ng municipal employees si Barangan, base kay Hife.
Naganap umano ang insidente bandang alas-5 ng hapon nitong Huwebes, sa loob ng opisina ng mga assistant ng alkalde. Noong oras na iyon, kaunting empleyado na lamang umano ang natira, base kay Salipot.
Naroon si Barangan, ang suspek, bilang isang bisita
Nang umalis si Salipot, lumapit umano ang suspek sa bag na nakalagay sa mesa, at sinimulang halungkatin ang mga laman nito.
Kinabukasan, araw ng Biyernes, nagulat si Salipot nang mawala ang karamihan sa perang nakatago sa bag, dahilan upang humingi siya ng tulong mula sa mga pulis at security personnel ng munisipyo upang rebyuhin ang closed-circuit television cameras (CCTV).
Nagtungo ang mga pulis sa tahanan ni Barangan sa Brgy. Bakyawan kung saan siya nadakip bandang alas-10 ng umaga nitong Biyernes.
Subalit, P3,200 na lamang ang narekober ng mga pulis mula sa suspek dahil na nagastos na umano ito.
Batay sa opisyal, umamin ang suspek na naakit siyang nakawin ang pera sa bag ni Salipot dahil sa personal at family problems.
Samantala, itinuloy ng suspek ang paghahain ng kaso laban sa suspek. RNT/SA