Home HOME BANNER STORY Smartmatic founder, ex-VP na sangkot sa panunuhol sumuko

Smartmatic founder, ex-VP na sangkot sa panunuhol sumuko

MANILA, Philippines- Sumuko ang founder at dating executive ng voting machine company na Smartmatic sa federal authorities sa Miami nitong linggo para harapin ang mga alegasyon na nagbigay sila ng suhol para makakuha ng mga kontrata sa 2016 elections sa Pilipinas.

Ang Smartmatic founder na si Roger Piñate at ang dating vice president ng hardware development ng kompanya na si Jorge Miguel Vasquez ay parehong sumuko sa Miami federal court.

Sinasabi  sa akusasyon na sa pagitan ng 2015 at 2018, sina Piñate, Vasquez, at iba pa ay nagbayad ng hindi bababa sa $1 milyong suhol  kay dating Philippine Commision on Election (Comelec) Comelec chief Andres Bautista.

Si Piñate, ang Venezuelan-American founder ng Smartmatic, ay pinagkalooban ng $8.5 milyon na bond at pagkatapos ay pinakawalan.

Hindi siya naghain ng plea dahil hindi pa permanenteng nakatalaga ang kanyang abogado, ipinakita sa dokumento sa Aug. 12 proceedings.

Si Vasquez, 62, ay umamin na hindi nagkasala sa mga kaso. Pinalaya siya dahil sa $1 milyong bond.

Ang akusasyon, na ibinalik ng federal grand jury ay nagbalangkas ng isang kumplikadong pamamaraan na kinasasangkutan ng umano’y labis na pagsingil ng mga voting machine at laundering ng monetary instruments na mga paglabag sa Foreign Corrupt Practices Act.

Kung mahatulan, sina Piñate at Vasquez ay nahaharap sa maximum na 25 taong pagkakulong para sa mga kasong “conspiracy to commit money laundering of monetary instruments,” at mga paglabag sa Foreign Corrupt Practices Act.

Ang Smartmatic ay binagbawalan ng Comelec noong nakaraang taon na makilahok sa contract bidding sa halalan, ngunit binawi ng pinakamataas na hukuman sa bansa ang pagbabawal noong Abril. Nakita ng SC ang abuse of discretion sa Comelec ban sa Smartmatic.

Si Bautista, namuno sa election commission mula 2015 hanggang 2017, ay nagbigay sa Smartmatic ng $199 milyon na kontrata para matustusan ng Pilipinas ang 94,000 voting machine para sa 2016 presidential election na napanalunan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Pinag-isipan ng Comelec ang pag-apela sa desisyon ng SC sa disqualification ng Smartmatic.

Samantala, nauna nang itinanggi ni Bautusta ang anumang pagkakamali, kung saan sa kanyang pahayag sa X, sinabi ni Bautista na hindi siya humingi o tumanggap ng anumang suhol mula sa Smartmatic o anumang iba pang entity.

Sinabi ni US DOJ Spokesperson Nicole Navas Oxman sa isang ulat na si Bautista ay wala sa US custody.

Kinumpirma naman ng isang tagapagsalita ng Smartmatic sa lokal na media sa Florida na si Piñate at isa pang executive ay inilagay sa leave of absence.

Nauna nang sinabi ng kompanya na nananatiling inosente ang kanilang mga empleyado na inaakusahan hanggang sa mapatunayang nagkasala. Jocelyn Tabangcura-Domenden