Home ENTERTAINMENT Snooky, nag-throwback sa hiwalayan nila ni Ricardo, nagsisisi!

Snooky, nag-throwback sa hiwalayan nila ni Ricardo, nagsisisi!

Manila, Philippines – Nagpahayag ng panghihinayang si Snooky Serna sa naging hiwalayan nila ng dating mister na si Ricardo Cepeda sa isang YouTube channel.

Katunayan, para sa kanya ay mabait daw ang actor-businessman dahil responsable ito at galing sa disenteng pamilya.

Hindi naman niya ikinaila na may kasalanan siya sa naging paghihiwalay nila ni Ricardo kung saan meron siyang dalawang anak: sina Sam at Sachi.

Aniya, naging possessive raw siya at selosa noong panahon ng kanilang pagsasama lalo pa’t pareho silang nasa showbusiness.

May mga pagkakataong nagpadala rin daw sa mga taong nagsulsol sa kanya na hiwalayan na ang mister.

Late na lang daw niya na-realize na wala palang basehan ang pagseselos niya sa ex-husband.

Iyong mga akusasyon sa tatay ng kanyang mga anak ay napatunayan niyang mali.

Marami rin daw siyang insecurities noong nag-crumble ang marriage nila.

Katunayan, ito raw iyong mga panahong ‘lost’ talaga siya at ang daming galit niya sa mundo.

Isa na raw dito ay iyong self-destructive behavior niya kung saan sinaktan pa niya ang kanyang sarili.

Ini-reveal din niya sa panayam sa kanya sa vlog ni Morly Alinio na may mga tattoo siya sa katawan na gustuhin man niyang ipabura ay hindi na niya magawa.

Sa kasalukuyan, very civil daw naman sila ng ex dahil nagkikita sila kapag may importanteng okasyon ang kanilang mga anak tulad ng mga ganap sa iskul.

Sa naturang tsikahan, inamin din ng aktres na ang rason kung bakit sila nagkahiwalay ni Albert Martinez ay dahil they fell out of love.

Sa ngayon, masaya na si Snooky sa piling ng kanyang partner na si dating Bulacan Vice Governor Mon Villarama. Archie Liao