Home NATIONWIDE Soberanya ng Pilipinas bibigyang-diin ni PBBM sa ASEAN Summit

Soberanya ng Pilipinas bibigyang-diin ni PBBM sa ASEAN Summit

MANILA, Philippines – INAASAHAN na magpapartisipa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 46th ASEAN Summit and Related Summits sa Kuala Lumpur, Malaysia sa susunod na linggo.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs Deputy Assistant Secretary Dominic Xavier Imperial, na bibigyang-diin ni Pangulong Marcos ang soberanya ng Pilipinas at sovereign rights sa nasabing Summit.

Magkakaroon din aniya ng pag-uusap hinggil sa pandaigdigang usapin gaya ng mga usapin sa Myanmar at tariff policy ng Estados Unidos at maging ang iba pang geopolitical concerns.

Nakatakda ring magkaroon ng bilateral meetings si Pangulong Marcos kasama ang Lao PDR, Kuwait, at Vietnam.

Sa kabilang dako, napag-usapan naman na nina Pangulong Marcos at Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim ang regional economy and security at ang nalalapit na ASEAN Summit.

Nauna rito, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Eduardo Manalo na isusulong ng Pilipinas sa Asean Summit ang “intensified negotiations” sa napakamahalagang “Code of Conduct” na naglalayon na maiwasan ang isang ‘major conflict’ sa South China Sea. Kris Jose