Home ENTERTAINMENT Sofia Trazona, touched sa letter ng ama!

Sofia Trazona, touched sa letter ng ama!

162
0

Manilq, Philippines – Sino ba namang anak ang hindi magiging emotional sa makabagbag-damdaming liham ng ama lalo pa sa kaso ng transwoman at drag queen na si Sofia Trazona?

Si Sofia ang anak ng dating Sex Bomb dancer na si Izzy na inalipusta ng asawa nitong si Alvin Aragon for being gay.

Sa kanyang guesting sa Fast Talk, iniabot ni Boy Abunda ang sulat ng kanyang biological dad kay Sofia.

Sofia’s father is named Michael Navarro.

Proud si Michael of what his “daughter” has become.

Sa katunayan, masaya ito para sa anak na suportado niya.

Panimula ng letter ng ama: “Gusto ko sanang ipaalam sa ‘yo na maligaya ako sa kalagayan mo ngayon dahil alam ko na masayang-masaya ka.”

Pero ang mas nakakadurog ng puso ay ang linya ni Michael na: “Hindi ko pinagsisisihan na naging anak kita.”

Wait there’s more.

Nangako din si Michael na in case maging beki din ang kapatid ni Sofia’y nakahanda din siyang

suportahan ito.

Sey pa ng dad, he’ll remain Sofia’s number 1 fan.

Ano’ng sey mo, Alvin “Self-righteous” Aragon? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here