MANILA, Philippines- Ipinauubaya na ni Solicitor General Menardo Guevarra ang kanyang kapalaran kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
“The OSG is not only the government’s counsel; it is also the tribune of the people,” tugon ni Guevarra sa mga katanungan ukol sa kanyang panunungkulan.
“The president, in his wisdom, fully understands this,” patuloy niya.
Sinabi ni Guevarra na nasa pagpapasya na ni Pangulong Marcos kung nais siyang alisin na bilang Solicitor General.
“That’s the president’s exclusive call,” maikling pahayag ni Guevarra matapos sabihin ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na kailangan pag-isipan maigi ni Guevarra kung nararapat pa siyang manatili bilang SolGen.
Sinabi rin ni dating Senior Associate Antonio Carpio na dapat sibakin na sa pwesto si Guevarra dahil sa magkaibang posisyon nito sa gobyerno hinggil sa inilabas na arrest warrant ng International Criminal Court.
Sa maikling mensahe, nanindigan si Guevarra na hindi lamang siya abogado ng pamahalaan kundi tagapagtanggol lalo sa interes ng bayan.
I have no conflict of interest. The OSG represents the interest of the Republic vis-à-vis the ICC and no other interest. Our recusal is not personal; it is institutional,” giit ng opisyal.
Magugunita na naghain ng Manifestation si Guevarra sa Supreme Court upang sabihin na umaatras ito sa paghawak sa kaso laban sa pamahalaan kaugnay sa inihaing petition for habeas corpus ng magkakapatid na Sebastian, Pulong at Veronica Duterte. Teresa Tavares