Isang reklamo kaugnay ng umano’y pamimili ng boto ang isinampa sa Commission on Elections (COMELEC) laban kay Marikina Rep. Maan Teodoro.
Ayon sa reklamo, may mga naitalang insidente ng pamamahagi ng pera sa gitna ng opisyal na panahon ng kampanya. Kalakip ng reklamo ang walong sinumpaang salaysay, mga larawan at bidyo, pati na rin ang mga detalye hinggil sa umano’y sistematikong pamimigay ng ayuda na sinasabing ginamitan ng mga porma ng DSWD.
Kasama rin sa iniulat ang umano’y pananakot sa ilang residente. Ang reklamo ay inihain ni Atty. Christian Real, na kumakatawan kay John David Ramos. RNT