MANILA, Philippines – Iminungkahi ni House Deputy Speaker at Antipolo 1st District Rep. Ronaldo “Ronnie” Puno na dapat ding magsagawa ng lifestyle check ang media laban sa mga opisyal ng gobyerno.
Kasabay ng direktiba ni Pangulong Marcos na isailalim sa lifestyle check ang mga nasa executive branch, sinabi ni Puno: “Ostentatious display of wealth is at the very least improper and undesirable for public officials… Pero bakit mo ili-limit sa Ombudsman? Why can’t you have media do lifestyle checks?”
Binigyang-diin niyang ginagawa na ito ng mga netizen sa social media, at may kakayahan ang media na gawin ito nang may pananagutan.
Dagdag ni Puno, hindi dapat para sa tsismis ang lifestyle check kundi para sa pananagutan. “Kung makita ka na mayroong ostentatious display of wealth, siguro that should be enough basis para silipin ng mga imbestigador ang records ng isang public official,” aniya. RNT