Home NATIONWIDE Solong mananaya wagi ng P386M jackpot sa Ultra Lotto 6/58

Solong mananaya wagi ng P386M jackpot sa Ultra Lotto 6/58

266
0

MANILA, Philippines – Nagwagi ang isang solong mananaya mula Batangas ng P386.1 milyong jackpot sa Ultra Lotto 6/58.

Ayon sa PCSO nitong Sabado, Agosto 23, inanunsyo nito na napanalunan ng isang mananaya mula Batangas ang jackpot na P386,153,104.80. Tinayaan ito sa isang lotto outlet sa National Road, Barangay Bolbok, Batangas City.

Nahulaan nito ang winning combination number na 01-34-44-27-57-16 para sa UltraLotto 6/58.

Samantala, wala namang nanalo sa Megalotto 6/45 sa winning number na 40-33-42-06-20-17 at jackpot prize na P17,049,877.20. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here