Home HOME BANNER STORY Lacson: Mga senador ‘di lusot sa isyu ng pagsisingit ng badyet sa...

Lacson: Mga senador ‘di lusot sa isyu ng pagsisingit ng badyet sa flood control projects

228
0

MANILA, Philippines – Hindi lusot ang mga miyembro ng Senado at Kamara sa paghihinala sa maanomalyang flood-control projects dahil lahat ay maaaring gumawa ng amyenda o insertions sa deliberasyon sa taunang national budget, ayon kay Senador Panfilo “Ping” Lacson nitong Sabado, Agosto 23.

“Maaaring mayroon (senador). Maaring mayroon ding congressmen,” pahayag ni Lacson sa panayam ng DZMM Teleradyo.

Ipinaliwanag ni Lacson na ang mga mambabatas na nag-amyenda ng budget para sa flood control projects “have claim, or royalty, or the right to choose the contractor for the project.”

Aniya, ang mga proponent ng insertion ay hindi naidokumento sa mga nagdaang budget deliberations kung kaya’t “legislators were confident to make large amounts of insertions.”

Ang “piece of cake” process sa pag-amyenda ng national budget bill ay nagresulta sa paglobo ng insertions para sa fiscal years 2023 hanggang 2025.

Ito umano ang dahilan kung bakit niya ipinanukala na ilathala online ang individual proposals ng mga mambabatas sa national budget.

“When we say fully transparent ang deliberation ng budget, dapat fully transparent talaga. I-disclose natin sa publiko kung sino ang mga responsable sa mga individual amendment,” dagdag pa niya.

Sa kabila nito, tumanggi si Lacson na magpangalan ng sinumang mambabatas nang walang matibay na ebidensya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here