Home NATIONWIDE Sorsogon inuga ng M-4.4 na lindol

Sorsogon inuga ng M-4.4 na lindol

MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang Donsol, Sorsogon nitong Sabado ng gabi, Mayo 25.

Ayon sa PHIVOLCS, ang sentro ng lindol ay naitala anim na kilometro hilagang-kanluran ng Donsol.

Tectonic in origin ang lindol na tumama 8:36 ng gabi at may lalim na limang kilometro.

Naitala ang Intensity II ng lindol sa Legazpi City, Albay at Intensity I sa Irosin, Sorsogon at Claveria, Masbate.

Nakapagtala rin ng instrumental intensities sa Milagros, Masbate at Legazpi City, Albay sa Intensity II. RNT/JGC