Home HOME BANNER STORY Toll hike sa NLEX, SLEX nagbabadya

Toll hike sa NLEX, SLEX nagbabadya

MANILA, Philippines – Nakaamba ang dagdag sa singil sa toll sa North Luzon Expressway (NLEX) at South Luzon Expressway (SLEX).

Sa panayam, sinabi ni TRB executive director Alvin Carullo na ang toll hike petition para sa NLEX ay nasa “advanced stage” na.

Dahil dito, posibleng ipatupad na sa mga susunod na buwan ang dagdag sa toll.

Anang TRB official, sakop ng toll hike petition ng NLEX ngayong taon ang ikalawang tranche ng scheduled rate hikes na hinati sa dalawang parte, ang unang 50% nito ay ipinatupad noong 2023.

Noong Hunyo 2023, pinayagan ng TRB ang NLEX na maningil ng karagdagang P7 sa open system at P0.36 kada kilometro sa closed system.

Sakop ng open system ng NLEX ang mga dumadaan sa Balintawak, Karuhatan, Paso de Blas, Mindanao Avenue, Meycauayan, at Marilao sections kung saan sinisingil ang mga motorista ng flat rate habang sakop naman ng closed system mula Bocaue, Bulacan, hanggang Sta. Ines, Mabalacat City sa Pampanga, maging ang mga Subic-Tipo—motorists.

Para sa planong toll hike ngayong taon, sinabi ni Carullo na “It is the same as the first tranche… the toll increase was divided into two equal, 50% in 2023 and 50 percent in 2024.”

Samantala, naghain din ang San Miguel Corporation para sa implementasyon ng ikalawang bahagi ng toll increase para sa SLEX.

Posibleng ipatupad ito ngayong taon.

Noong Oktubre 2023, nagtaas ang SLEX ng toll nito ng mula P10 hanggang P30 depende sa uri ng sasakyan, at P4 hanggang P8 para sa mga sasakyan na bumibiyahe mula
Calamba patungong Sto. Tomas, Batangas.

Sa kabila nito, sinabi ni Carullo na ang TRB ay “aware of the inflationary situation.”

“It may result in a delay in implementation if ever,” pagpapatuloy niya.

“It depends on the rate of the inflation but in the past it appears that the government is keen on complying with the contractual obligations under the STOAs (Supplementary Toll Operation Agreement) or the contract,” dagdag pa nito, bagamat ani Carullo, “we cannot deny all the petitions for toll rate increase precisely because they also have to comply with their lenders.” RNT/JGC