Matapos hilingin ni Senador Rodante Marcoleta ang pagbabalik kay ex-DPWH official Brice Hernandez sa Senado mula sa PNP Custodial center, nagdesisyon ang Senado na ilipat na lamang si Hernandez sa Pasay City Jail. CESAR MORALES
MANILA, Philippines – Inaprubahan ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang kahilingan ni Blue Ribbon Committee Chair Panfilo “Ping” Lacson na pagbigyan si Engr. Brice Hernandez ng 12 oras na leave sa Setyembre 20 para makakuha ng mga dokumento at ebidensya na maaaring makatulong sa komite sa paghahangad nito sa katotohanan.
Si Hernandez, na kasalukuyang nakakulong sa Senado, ay mananatili sa ilalim ng escort at kustodiya ng Senate Sergeant-at-Arms sa lahat ng oras at ibabalik sa Senado sa parehong araw.
Anumang ebidensyang nakalap ay maaari ding ibahagi sa Independent Commission for Infrastructure, Office of the Ombudsman, at/o Department of Justice para matiyak ang tamang mga hakbang sa pambatasan, matugunan ang katiwalian, at palakasin ang pananagutan sa mga pampublikong opisyal. RNT/MND