MANILA, Philippines – Patuloy na makakaapekto ang shear line sa Southern Luzon at Visayas ngayong Martes, Pebrero 11, habang ang Northeast Monsoon o Amihan naman ang magdadala ng pag-ulan sa nalalabing bahagi ng Luzon sa susunod na 24 na oras.
Ayon sa PAGASA, ang Visayas, Bicol Region, MIMAROPA, Laguna, Rizal, Quezon, at Aurora ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorm dahil sa shear line.
Maaaring magdulot ng pagbaha at landslide sa katamtaman hanggang malakas na pag-ulan.
Easterlies naman ang magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa Mindanao.
Samantala, ang Metro Manila, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Cavite, Batangas, at nalalabing bahagi ng Central Luzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may mga pag-ulan dahil sa amihan.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kaolangitan at isolated light rains ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Luzon dahil sa amihan. RNT/JGC