
Mababayaran na ang danyos na tinamo ng mga pananim ng mga magsasaka dulot ng mga kalamidad sa pamamagitan ng e-wallet platform na GCash.
Ito ang nilalaman ng memorandum of agreement (MOA) na nilagdaan sa pagitan ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) at G-Xchange, Inc. noong Enero 24, 2025,
Nakapaloob sa kasunduan na isasama ang GCash ng “Funds Disbursement Service” sa app nito para matiyak ang mas mabilis, mas ligtas at mas episyenteng pamamahagi ng mga bayad.
Ayon kay PCIC president Atty. Jovy Bernabe, ang hakbang ay naaayon sa layunin ng Marcos administration para sa mas malawak na inklusyong pinansiyal at bilang suporta rin sa pagsisikap ng ahensiya para sa digitalisasyon at kahusayan sa proseso.
Bukod sa bayad danyos, ang kasunduan sa pagitan ng GCash at PCIC ay nagbibigay-raan sa mga magsasaka na maging bahagi ng digital ecosystem ng e-wallet platform kung saan ay maaari silang makapag-ipon, mamuhunan, at magkaroon ng akses sa microfinancing tools upang lalong mapalago ang kanilang pananalapi kahit pa sila ay nasa mga liblib na lugar.
Ang PCIC, na isang ahensiyang kaakibat ng Department of Agriculture, ay nagbibigay ng insurance protection sa mga magsasaka laban sa pagkalugi dulot ng natural na kalamidad, sakit ng halaman, at peste na nakakaapekto sa palay, mais, at iba pang pangunahing mga pananim.
Sa datus na nakalap ng ConnecTV, hanggang nitong 2023 ay mayroong 86 milyon na Filipino ang mayroong GCash account.
Tinatayang nasa 1.4 milyon na magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ng sunod-sunod na kalamidad noong 2024 na ang pinsala ay umabot sa Php 57.78 billion na 136.4 percent na mas malaki kumpara noong 2023.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, nasa 9.998 million na lamang ang mga nasa sektor ng pagsasaka sa bansa noong taong 2018
kung saan 7.75 million ay kalalakihan at 2.248 million ang kababaihan. 53 years old ang average na edad ng isang magsasaka sa bansa.
Ang mga magsasaka sa loob ng sampung taon sanhi ng bumababang employment na pinalala ng tumatandang populasyon ng mga magsasaka at ang malaking problema sa mga kabataang, walang may gustong ipagpatuloy ang ginagawa ng kanilang magulang, ano na kaya mangyayari sa susunod na henerasyon?