MANILA, Philippines – Kinumpirma mismo ni Senate President Alan Peter Cayetano na nagkaputukan nga sa Senado nitong Miyerkoles, ayon sa kanyang Facebook live.
“This is the Senate of the Philippines, we are allegedly under attack. The Sergeant-of-Armas confirmed it na may putukan na rito,” ani Cayetano.
Ang kaguluhan ay ikinokonekta sa posibleng pag-aresto kay Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa bunsod ng inilabas ng ICC warrant sa umano’y crimes against humanity ng senador.
Sa inilabas na FB live ni SP Cayetano, sinabi niya na may mga ‘agents’ umano sa loob ng Senado na nagkubli sa pamamagitan ng paghalo sa media. Aniya pa na hindi umano ito mula sa Philippine National Police.
Kaya naman inatasan niya ang kapulisan, ang Office of the Sergeant-at-Arms, at (Philippine) Marines na eskortan si Secretary of Interior and Local Government Jonvic Remulla papasok ng Senado para ayusin ang nasabing kaguluhan.
Siniguro niya rin na ang ilang senador na bahagi ng majority ay hindi umano iiwan si Senador Bato.
Sa huli, iginiit niya na may desisyon ng Korte Suprema para sa tatlong araw na pagkomento sa nasabing pagpapasaklolo ni Sen. Bato sa hustisya sa Pilipinas. RNT