Home TOP STORIES Spain, magpapatupad ng border checks sa mga galing Italy

Spain, magpapatupad ng border checks sa mga galing Italy

1
0

MADRID, Spain – Magpapatupad ang Spain ng border controls para sa mga biyaherong dumarating mula Italy sa pamamagitan ng eroplano at barko simula hatinggabi ng Sabado hanggang Setyembre 7.

Ayon sa gobyerno ng Spain, magsasagawa sila ng passport, nationality, at visa checks sa mga pasaherong mula Italy dahil sa patuloy na irregular migration pressure.

Ginawa ng Spain ang hakbang bilang tugon sa pagpapatupad ng Italy ng sarili nitong border controls, na iniugnay naman ng Italy sa pagdating ng 72,000 migrante sa Ceuta, isang teritoryo ng Spain sa North Africa, noong Hulyo 30.

Nauna nang sinabi ng Italy na hindi ito susunod sa anumang ultimatum o pressure mula sa Spain at pananatilihin ang border controls sa mga biyaherong mula Spain hanggang Agosto 15.

Nagbanta ang Spain na magpapatupad ng kaparehong hakbang kung hindi aalisin ng Italy ang kanilang border controls.

Ayon naman sa Italy, maaari lamang nitong pag-isipan ang pag-aalis ng mga paghihigpit kapag nakatiyak itong wala nang banta sa seguridad o terorismo, wala nang bagong pagdagsa ng migrante, at wala nang mga irregular migrant na patungong Europa. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here