Home SPORTS Spaniards Nadal, Alcaraz tambal sa Olympic

Spaniards Nadal, Alcaraz tambal sa Olympic

Magtatambal sina Rafael Nadal at Carlos Alcaraz ng Spain sa doubles sa Olympic Games ngayong taon sa Paris, sinabi ng Royal Spanish Tennis Federation (RFET).

Nanalo si Nadal ng Olympic gold medal noong 2008, ngunit ang Paris Games ang magiging una ni Alcaraz sa kanyang pagbabalik sa Roland Garros kung saan siya tinanghal na French Open champion noong Linggo.

Ang partisipasyon ni Nadal ay nasa himpapawid kung saan ang 14-beses na French Open champion ay hindi pa rin sa kanyang pinakamahusay bunsod ng injury ngunit sinabi ng national team coach na si David Ferrer na ang 38-taong-gulang ay makakasama sa 21-anyos na si Alcaraz.

“One pair, which I think everyone knows and was hoping for is Carlos Alcaraz and Rafael Nadal and the second pair is yet to be decided, it hasn’t been 100% confirmed yet,” sabi ni Ferrer sa mga mamamahayag.

“We’ll wait a bit before announce that. Pero maglalaro sina Rafa at Carlos sa Paris.”

Ang iba pang napiling manlalaro ay sina Pablo Carreno Busta at Alejandro Davidovich Fokina habang kasama rin sa squad si Marcel Granollers, na world number two sa doubles. Ang Paris Olympics ay tumatakbo mula Hulyo 26-Aug. 11.