Home NATIONWIDE Volcanic activity sa Kanlaon bumaba

Volcanic activity sa Kanlaon bumaba

MANILA, Philippines – Naitala ang mas kakaunting seismic activity sa Bulkang Kanlaon.

Ayon sa PHIVOLCS nitong Huwebes, Hunyo 13, isa lamang na volcanic earthquake ang naitala sa bulkan mula hatinggabi ng Miyerkules.

Sa kabila nito, nananatili pa rin sa Alert Level 2 ang babala sa Bulkang Kanlaon na nangangahulugang posible pa rin ang steam-driven o phreatic eruptions.

Nitong Miyerkules, nagbuga ang Kanlaon ng 2,792 tonnes ng sulfur dioxide flux. Nagbuga rin ito ng 300-meter tall plume.

Matatandaan na sumabog ang bulkan noong Hunyo 3, 2024 dahilan para ilikas ang libo-libong residente sa Negros Occidental. RNT/JGC