MANILA, Philippines – Ang mga illegal na operasyon ng ilang Philippine Offshore Gaming Operator (Pogo) ay posibleng bunga ng palpak na pamamahala ng isang lokal na pamahalaan, ayon kay Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) spokesperson John Casio nitong Huwebes, Hunyo 13.
Tinanong kasi si Casio sa pananagutan ng local chief executives katulad ng sa nilusob na naglalakihang gusali para sa POGO sa Porac, Pampanga.
“No self-respecting local chief executive can tell himself or herself that ‘I didn’t know they were doing this or that’,” ani Casio sa panayam ng ANC.
“At the very least, it’s incompetence. I hate to think of the other side of the equation”
Ipinaliwanag ni Casio na ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) ay responsable para sa mga casino at lisensya nito. Ang gaming hubs na nag-ooperate na walang lisensya ay pananagutan naman ng law enforcement agencies.
Sa kabila nito, iginiit ni Casio na ang non-issuance o kanselasyon ng permit ay hindi sapat para sa Pagcor.
Dapat ay makipagtulungan umano ang mga ito sa mga lokal na opisyal upang masigurong mananatiling sarado ang mga gaming hub na walang permit.
“Both Pagcor and the LGU (local government unit) of Porac have some explaining to do when it comes to why this particular operation continued up to June 4 or 5,” sinabi ni Casio.
Bagama’t hindi nag-isyu ng business permit si Porac Mayor Jaime Capil sa Lucky South 99 para sa 2024, kinwestyon naman ni Casio kung bakit nag-ooperate pa rin ang hub hanggang Hunyo. RNT/JGC