Home NATIONWIDE Speaker Dy: Tapang, sakripisyo ng mga bayani, inspirasyon sa modernong Pilipino

Speaker Dy: Tapang, sakripisyo ng mga bayani, inspirasyon sa modernong Pilipino

118
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si House Speaker Faustino “Bojie” Dy III sa mga Pilipino na gawing inspirasyon ang tapang at sakripisyo ng mga bayani ng bansa sa paggunita ng ika-84 na Araw ng Kagitingan.

Ayon sa kanya, ang temang “Giting ng Bayani, Pamana sa Salinlahi” ay paalala ng patuloy na pamana ng kabayanihan, patriotismo, at sakripisyo ng mga beterano, na dapat magbigay-gabay sa kasalukuyan at susunod na henerasyon.

“Ngayong Araw ng Kagitingan, ginugunita natin ang tapang, sakripisyo, at pagmamahal sa bayan na ipinakita ng ating mga bayani — lalo na ng mga sundalong Pilipino na lumaban para sa ating Kalayaan,” ani Dy sa isang video message.

Binigyang-diin niya na ang kalayaan ng bansa ay bunga ng sakripisyo ng mga naunang bayani at dapat itong pangalagaan sa pamamagitan ng pagkakaisa at paglilingkod sa bayan.

“their courage reminds us that the freedoms we enjoy today were not given freely — they were earned through sacrifice.”

Dagdag pa ng Speaker, ang kabayanihan ay hindi lamang makikita sa panahon ng digmaan kundi pati sa araw-araw na pagsisikap ng mga Pilipino na tumulong sa kapwa at magtayo ng mas maayos na kinabukasan.

“Ang tunay na kagitingan ay hindi lamang makikita sa gitna ng digmaan…,” aniya.

Hinimok din niya ang publiko na ipagpatuloy ang pagmamahal at paglilingkod sa bayan bilang pagpupugay sa mga bayani. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here