Home NATIONWIDE Special law ipasa vs bogus na POGO docs – SolGen

Special law ipasa vs bogus na POGO docs – SolGen

MANILA, Philippines – MULING inulit ni Solicitor General Menardo Guevarra na kailangan ang special law na ipapasa ng Kongreso para episyenteng maproseso ang mga palsipikadong dokumento na ipinalabas sa Philippine Overseas Gaming Operations (POGO) workers, at maging ang pagkumpiska at disposisyon ng mga ari-arian ng mga POGO firm.

“We’re coordinating with other government agencieskasi, dahil nga libo ‘yung ganyan ngang kaso, at kung iisa-isahin natin ‘yan…na file yan ng kaso sa korte, aabutin tayo ng siyam siyam at medyo magastos,” ayon kay Guevarra sa isang panayam.

“Kaya hinihiling namin sa Kongreso at meron naman bill na na-file sa Kongreso na gawing administrative cancelation ‘yung mga ganyang klaseng birth certificates instead na dadaan sa husgado.

Kasi ‘pag dadaan ‘yan sa husgado parang karaniwang kaso ‘yan na mag-schedule next month, siguro next hearing n’yan two months later,” dagdag na wika nito.

Nauna rito, taong 2024 nang ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa PAGCOR ang pag-ban ng mga POGO sa bansa.

Inanunsyo rin na ng Pangulo ang pagpapatigil sa operasyon ng mga POGO.

Kasunod ng congressional investigations sa POGOs, isang report ang ibinigay sa Solicitor General, kasama ang request para sa mass action para sa kanselasyon ng sertipiko ng ‘live birth’ o birth certificate na ipinalabas sa mga dayuhan na natuklasan na bogus.

Sinabi ni Guevarra na ang pekeng birth certificates ay tila ginagamit ng mga dayuhan para pagbabalatkayo bilang Filipino citizen upang magawa ng mga ito na bumili ng property at maging ang tumakbo para sa public office.

Inamin naman ni Guevarra na mahirap na i-recover ang mga assets na illegal na nakuha ng mga dayuahn sa bansa.

“Right nowang batas na ginagamit namin para mag-civil forfeiture ng mga ganyang klaseng assets or money in banks for example or real properties, is the AMLA, the Anti-Money Laundering Act,” ani Guevarra.

“But we are hoping that Congress will pass that bill and enact it into law the soonest possible timepara magkaroon ng special law focusing on the civil forfeiture of assets or real properties acquired by foreign nationals illegally,” aniya pa rin. Kris Jose