Home NATIONWIDE Special panel of prosecutors binuo sa imbestigasyon sa Senate shooting incident

Special panel of prosecutors binuo sa imbestigasyon sa Senate shooting incident

64
0

MANILA, Philippines – Bumuo na ng special panel of prosecutors ang Department of Justice (DOJ) na mag-iimbestiga sa nangyaring gulo sa Senado noong Miyerkules ng gabi, Mayo 13, 2026.

Ayon kay Justice Secretary Frederick Vida, sila ang magsasagawa ng comprehensive case build up sa insidente mula Mayo 11 hanggang 14.

Binigyan din ang special panel of prosecutors ng kaoangyarihan na mag-isyu ng subpoena para maipatupad ang kanilang imbitasyon.

Ang nangyaring kaguluhan sa Senado ay matapos na pilit umanong arestuhin si Dela Rosa kung saan nagkaroon ng hindi inaasahang palitan ng putok sa pagitan ng mga tauhan ng Office of the Sargeant at Arms ng Senado at tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI).

Naging maselan ang sitwasyon dahil may kautusan pa ang Korte Suprema na pinagkokomento pa sa loob ng 72 oras ang mga respondents gayundin ang senador kaugnay sa inilabas na arrest warrant ng ICC laban sa kanya na nais na umanong ipatupad ng NBI kaya nangyari ang kaguluhan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here