Home NATIONWIDE Special permits ng byahe sa Holiday season, nirerepaso na ng LTFRB

Special permits ng byahe sa Holiday season, nirerepaso na ng LTFRB

278
0

MANILA, Philippines – Tinatapos na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagsusuri sa mga aplikasyon para sa special permits ng mga pampasaherong bus para sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero ngayong Christmas at New Year holidays.

Ayon kay LTFRB Chairman Vigor Mendoza II, tanging mga bus na pasado sa roadworthiness inspection ang bibigyan ng permit, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyaking ligtas at komportable ang biyahe ng mga pasahero.

“Hindi bale na sumobra ang mga pampasaherong bus na mabigyan ng special permit kesa naman kulang dahil kawawa po ang ating mga kababayan na mai-stranded sa mga bus terminals dahil walang bus,” aniya.

Giit ni Mendoza, hindi maaapektuhan ang kaligtasan sa kabila ng pagdagdag ng mga bus, alinsunod sa patnubay ni Transportation Secretary Giovanni Lopez.

Umabot sa 1,413 units mula sa 116 ruta ang nag-apply para sa special permits na epektibo mula Dec. 15, 2025 hanggang Jan. 16, 2026. Mas mataas ito kaysa 1,003 aplikasyon noong 2024 at 1,174 noong 2023.

Sinabi ni Mendoza na nagpapakita ito ng pagtaas ng bilang ng mga biyahero sa holidays at tiniyak ang patuloy na koordinasyon sa iba’t ibang ahensya para sa kaligtasan at seguridad. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here