Home NATIONWIDE P5.4-M nasolo sa 6D Lotto

P5.4-M nasolo sa 6D Lotto

264
0

MANILA, Philippines – Walang nakasungkit ng jackpot sa anumang major lotto draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Martes, December 2.

Sa Ultra Lotto 6/58, lumabas ang numerong 40-45-54-56-24-57 para sa jackpot na ₱49.5 milyon, habang ang kombinasyong 09-14-48-17-44-26 sa Super Lotto 6/49 ay may ₱31-milyong premyo. Parehong walang nanalo.

Wala ring nakakuha ng ₱23-milyong jackpot sa Lotto 6/42 na may winning numbers na 30-37-23-34-33-32.

Isang mananaya naman ang nagwagi ng ₱5,462,331.00 sa 6D Lotto gamit ang kombinasyong 2-6-7-4-8-9.

Sa digit games, 420 ang nanalo sa 3D Lotto 2PM draw, 81 sa 5PM, at 600 sa 9PM. Sa 2D Lotto, 142 ang nanalo sa 2PM draw, 928 sa 5PM, at 409 sa 9PM.

Pinaalala ng PCSO ang iskedyul ng mga draw: Lotto 6/42 tuwing Martes, Huwebes, at Sabado; Super Lotto 6/49 tuwing Martes, Huwebes, at Linggo; at Ultra Lotto 6/58 tuwing Martes, Biyernes, at Linggo. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here