Home NATIONWIDE Special task na bubusisi sa polisiya sa paghuli sa violators pinalilikha ng...

Special task na bubusisi sa polisiya sa paghuli sa violators pinalilikha ng DOTr chief

MANILA, Philippines- Ipinag-utos ni Department o Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon ang paglikha ng special task force na magsasagawa ng “sweeping review” ng polisiya sa pag-aresto sa pagdakip sa mga lumaLAbag kasunod ng viral incident sa Panglao, Bohol.

Sa press briefing nitong Lunes, sinabi ni Dizon na kailangang masuri o repasuhin ang mga kasalukuyang regulasyon ng Land Transportation Office (LTO) at land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) upang matukoy kung ang mga ito ay madaling abusuhin ng mga alagad ng batas.

Sinabi ni Dizon na ang task force ay pamumunuan ni DOTr Assistant Secretary for Road Transport Jojo Reyes.

Inatasan din si Reyes na personal na imbestigahan ang insidente sa Bohol na nakunan ng video kung saan sangkot ang mga tauhan ng LTO na nag-viral sa social media.

Ito ang nag-udyok sa Transportation Secretary para tanggalin ang limang LTO enforcers habang gumugulong ang imbestigasyon.

Sinabi ng kalihim na hindi kukunsintihin ng DOTr ang anumang pang-aabuso sa awtoridad mula sa kanilang hanay.

Inihayag ni Dizon na bilang mga lingkod-bayan, ang mga tauhan ng gobyerno ay dapat kumilos bilang “mga lingkod ng bayan at hindi ang kanilang mga panginoon.”

Batay sa viral video, nakitang hinuli ng mga tauhan ng LTO ang 57-anyos na magsasaka na si Erifredo Velasco dahil sa pagdadala ng kutsilyo.

Giit ni Velasco, ginagamit ang patalim sa pagsasaka. Gayunman, pilit pa rin siyang naipit sa kanyang motorsiklo, kung saan pinagbantaan pa siya ng isang enforcer gamit ang nasabing kutsilyo. Jocelyn Tabangcura-Domenden