Home NATIONWIDE SSS dumepensa sa dagdag-kontribusyon

SSS dumepensa sa dagdag-kontribusyon

MANILA, Philippines- Sinabi ng Social Security System (SSS) na ang pagtataas sa kontribusyon o ang pagkasa sa 1-percent rate hike ay makatitiyak sa long-term viability ng institusyon at makatutulong na tumagal and pondo ng hanggang 2053.

Inihayag ng SSS na ang 1-percent rate hike, nakatakdang simulang ipatupad ngayong buwan ay alinsunod sa probisyon ng Republic Act 11199 o Social Security Act of 2018.

Ang pinakabagong pagtataas ay magdadala sa contribution rate na 15% mula sa dating 14%.

Sinabi pa ng SSS na ang pagtataas ay sinamahan ng minimum monthly salary credit (MSC) na P5,000 mula sa dating P4,000 at sa maximum MSC na P35,000 mula sa dating P30,000.

“The scheduled contribution rate and MSC increases are among the most important reforms under RA 11199 that aim to ensure the long-term viability of the SSS,” ang sinabi ni SSS President and chief executive officer Robert Joseph De Claro.

“With this last tranche of contribution rate and MSC increases, the SSS fund is projected to last until 2053 – doubling the fund life to 28 years (vs. 2032 or 14 years when an actuarial valuation study was performed in 2018). This will allow us to fulfill our social security obligations to current and future members during times of contingencies.” litaniya ni De Claro.

Aniya pa, ang pagtataas sa contribution rate at MSC ay magreresulta ng karagdagang koleksyon na P51.5 billion ngayong taon.

Sa kabuuang halaga, ang P18.3 billion ay direktang mapupunta sa Mandatory Provident Fund (MPF) accounts ng SSS members.

“Such additional collection amount also enables SSS to support national government in times of difficulty, particularly as regards granting calamity loans,” ang winika ni De Claro.

Tinuran pa ng SSS, nagpalabas ito ng kabuuang P9.7 billion na calamity loans sa mas mahigit sa 500,000 calamity-stricken members noong nakaraang taon.

“Our top priority in 2025 is service excellence to SSS members. We aim to enhance our programs and systems to provide superior customer service to our members,” giit ni De Claro.

Ipagpapatuloy din aniya ng SSS na trabahuhin ang universal inclusion sa social security sa pamamagitan ng KaSSSangga Collect nito at E-Wheels Programs saklaw naman ang self-employed workers sa buong Pilipinas.

Tinitingnan naman ng SSS na paghusayin pa ang investment income performance mula sa iba’t ibang asset classes.

“The favorable outlook should enable SSS to actively participate in the capital markets and contribute to jobs generation as companies build and expand their businesses,” ang sinabi ni De Claro.

“Ultimately, our goal is to make SSS relevant in the life of every Filipino at every point in their lives by providing quality social protection and espousing the value of saving for the future,” lahad nito. Kris Jose