MANILA, Philippines- Nanawagan ang zero waste advocacy group EcoWaste Coalition sa mga deboto na makikilahok sa Traslacion 2025 na iwasan ang pagkakalat ng mga basura sa araw ng selebrasyon.
Martes ng umaga ay nagtipon-tipon ang grupo sa labas ng Quiapo Church upang hikayatin ang mga deboto na ipahayag ang kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng ecological action upang mabawasan ang mga basura at protektahan ang kapaligiran.
“Our advocacy for reduced use and disposal of single-use plastics during the massive feast of the Black Nazarene is a concrete way of putting the bishops’ call for ecological action into practice,” sabi ni Ochie Tolentino, Zero Waste Campaigner, EcoWaste Coalition.
Ibinahagi ng grupo na malaki ang nakolektang basura noong 2023 na higit pang dumami nitong 2024.
Apela ng grupo sa mga deboto, huwag gumamit ng mga styro at plastik, wrappers, cigarette butts at iba pang karaniwang nagkalat na basura.
Kasabay nito ay nakiusap din ang grupo sa vendors na magtitinda sa mismong araw ng Traslacion na maging masinop sa mga ibinebenta nila.
“As our nation is highly vulnerable to the impacts of climate change, pollution, and biodiversity loss, we are challenged to integrate our duty to care for God’s creation in all aspects of our lives, including in the celebration of our faith,” sabi ni Tolentino. Jocelyn Tabangcura-Domenden