MANILA, Philippines – SINABI ng Malakanyang na hindi nagpaparamdam ang St. Timothy Construction Corporation sa kabila ng naging panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kompanya na magpaliwanag ukol sa nabigong flood control project sa Calumpit, Bulacan.
Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ipinaalam sa kanla ni Department of Public Works and Highways Secretary Manny Bonoan na ang mga kontratista ay hindi pa rin nagpaparamdam hanggang sa ngayon.
Matatandaang, noong nakaraang linggo, humirit si Pangulong Marcos ng paliwanag mula sa St. Timothy Construction Corporation kauignay sa sinasabing nabigong flood control project sa Calumpit, Bulacan.
Ito’y matapos na magsagawa si Pangulong Marcos ng site inspection ng Rehabilitation of the River Protection Structure sa Barangay Bulusan kasunod ng kanyang rebelasyon na ang Bulacan province ay mayroong ‘most flood control projects na may 668.
Winika ni Pangulong Marcos na napag-alaman nya na walang dredging o desiltation ang nangyari sa lugar bilang bahagi ng flood control project. Kris Jose