MANILA, Philippines – Wala pa sa kamay ng Department of Budget and Management (DBM) ang listahan ng mga contractor na posibleng ma-blacklist, ayon sa paglilinaw ni Budget Sec. Amenah Pangandaman.
Ito ay kaugnay sa palpak na pagsasagawa ng mga proyekto ng gobyerno.
Sinabi ni Pangandaman na nasa Department of Public Works and Highways (DPWH) pa ang listahan.
Ang DPWH ang nangunguna sa pag-iimbestiga kasama ang Department of Economy Planning and Development at ang Commission on Audit.
Ayon pa kay Pangandaman, maaaring makapagsampa ng kaukulang kaso ang implementing agency tulad ng DPWH, DepDEV at COA kung gugustuhin nila sa sandaling napatunayang may mga paglabag. Jocelyn Tabangcura-Domenden