Home NATIONWIDE State of calamity idineklara sa E. Visayas sa San Juanico bridge repair

State of calamity idineklara sa E. Visayas sa San Juanico bridge repair

MANILA, Philippines – Nagdeklara si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng state of calamity sa Eastern Visayas ng isang taon simula Hunyo 5, 2025, para mapabilis ang pagkukumpuni ng San Juanico Bridge.

“There is hereby declared a State of Calamity in Region VIII (Eastern Visayas) on account of escalating risks caused by significant structural compromises in San Juanico Bridge, for one year beginning this date, unless earlier lifted or extended as circumstances may warrant,” saad sa Proclamation 920.

“The declaration of a State of Calamity will, among others, hasten the repair and rehabilitation of the San Juanico Bridge, and afford the National Government, as well as local government units (LGUs), ample latitude to utilize appropriate funds for the repair and safety upgrading of the subject public infrastructure,” dagdag pa sa proklamasyon.

Mula Mayo 15 ay ipinagbawal ang mga sasakyang higit sa tatlong tonelada sa tulay dahil sa pinsala, na nagdulot ng abala sa pagdadala ng mahahalagang produkto.

Sa ilalim ng Proclamation 920, pinapayagan ang paggamit ng pondo para sa agarang pagkukumpuni.

Pinamumunuan ng DPWH ang pagsasaayos, katuwang ang AFP at iba pang ahensya upang tiyakin ang kaligtasan at kaayusan sa lugar. RNT