MANILA, Philippines – Walang nanalo sa jackpot ng Ultra Lotto 6/58, Super Lotto 6/49, at Lotto 6/42 noong Hunyo 10, 2025, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Umabot na sa ₱112.37 milyon ang premyo sa Ultra Lotto 6/58 matapos walang tumama sa kombinasyong 43-32-47-31-01-08.
Sa Super Lotto 6/49, hindi rin nakuha ang tamang kombinasyong 23-20-22-41-39-19 kaya nanatili sa ₱61.97 milyon ang premyo.
Samantala, bigo rin ang mga tumaya sa Lotto 6/42 na makuha ang ₱10.07 milyong jackpot sa numerong 25-09-33-10-20-30. RNT