Home NATIONWIDE Status review sa kaso ni FPRRD kinansela ng ICC chamber

Status review sa kaso ni FPRRD kinansela ng ICC chamber

1
0

THE HAGUE – Kinansela ng trial chamber ng
International Criminal Court (ICC) ang ikatlong status conference na nakatakda sana sa susunod na linggo para sa paglilitis kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, dahil ang lahat ng mga partido at participant sa kaso ay hindi na nagpaabot ng mga isyu na kailangan ng agarang resolusyon.

Sa pahayag nitong Biyernes, Hulyo 10, sinabi ng ICC na hindi na itutuloy ng Trial Chamber III ang pagsasagawa ng pagdinig sa Hulyo 14 dahil ang depensa, prosekusyon, at legal representatives ng mga biktima ay nagdeklarang “they do not have specific matters which require attention at this stage of the proceedings.”

Ang trial chamber na pangungunahan ni Judge Joanna Korner, ay nagtakda ng susunod na status conference sa Setyembre 16, o dalawang buwan bago ang pagsisimula ng paglilitis sa reklamong crimes against humanity laban kay Duterte.

Si Duterte ay sinampahan ng three counts ng crimes against humanity of murder kaugnay sa kanyang war on drugs noong siya ay mayor pa ng Davao City at sa panahong siya ay naging presidente.

Siya ay nananatili sa Scheveningen prison complex mula pa nang arestuhin at isuko sa ICC noong Marso 2025. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here