Home ENTERTAINMENT Stephanie Raz, mas bet pag umuungol ang partner!

Stephanie Raz, mas bet pag umuungol ang partner!

172
0

Manila, Philippines- Sa mediacon ng Vivamax movie na ungol ay napagusapan ang iba’t-obang klaseng ungol kapag nagse-sex ang mag-partner.

Kay direk Bobby Bonifacio din namin nalaman na ang ungol ay sound ng babaing nasasarapan, at halinghing naman ang sa lalake.

Binanggit din ni Direk na 80 percent ng pelikula ay puro ungol.

Bida sa pelikulang Ungol ang mga sex sirens na sina Stephanie Raz, Audey Avila, Chad Solano at Ghian Espinosa.

Natanong si Stephanie kung mas bet ba niya na umuungol o humahalinghing ang kanyang kapartner sa kama?

“Mas gusto ko kapag umuungol ang partner ko kasi ang ibig sabhin nu’n, magaling ako sa kama and mas nate-turn on ako kapag naririnig ko ‘yon sa partner ko,” sabi ni Stephanie.

E, nalalaman ba ni Stephanie kapag fake ang ungol o halinghing ng partner?

“Oo, nalalaman ko kapag ang ungol ay fake. Hindi maganda ‘yun kaya mas mabuti pa, kung hindi naman nakakakuha ng satisfaction, itigil na lang anv ginagawa kesa sa mag-fake,” sabi pa niya.

Tama nga naman.

Sa pelikulang Ungol ay gumanap si Stephanie na bulag at sinabi niya na may mga scenes na nakakalimutan niya na bulag siya.

“Wala akong idea kung paano maging bulag so nag-workshop ako.

“Mahirap din gumamit ng contact lens sa character ko bilang bulag kasi umaga pa lang, nakasuot na. Sobrang nagda-dry agad ang mata ko.

“Ang ginawa ko na lang, nanood ako ng mga clips o movie na may bulag na character at ‘yon ang aking pinag-aralan,” sabi pa niya.

Si Stephanie ay isang Tourism graduate nu’ng July.

FYI ay malapit na ang streaming ng Ungol sa Vivamax. JP Ignacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here