Home METRO Sinehan nagliyab; P1.2M pinsala naitala

Sinehan nagliyab; P1.2M pinsala naitala

LAPU-LAPU CITY, Cebu- Tinataya ng Cebu City Fire Station na aabot sa  P1.2 milyon ang pinsala mula sa sumuklab na sunog sa isang sinehan sa isang mall sa Barangay Mabolo, Cebu City, nitong Miyerkules ng gabi.

Natanggap ng Cebu City Fire Station ang alarm ng alas-10:20 ng gabi, na itinaas sa first alarm.

Base sa ulat, idineklarang under control ang sunod dakong alas-10:50 ng gabi at tuluyang naapula ng alas-11:10 ng gabi.

Nagsimula ang sunog sa Cinema 3, matatagpuan sa ikatlong palapag ng mall.

Nahirapan ang mga bumbero sa pagpatay sa apoy dahil sa makapal na usok, kung kaya’t kinailangan nilang gumamit ng self-contained breathing apparatuses.

Agad na nailikas ng mall management ang mga tao, at walang naitalang nasugatan o nasawi sa  nasabing insidente.

Iniimbestigahan pa ng Cebu City Fire Station ang sanhi ng sunog. RNT/SA