MANILA, Philippines- Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaukulang government agencies na tiyakin ang mabilis at ligtas na pagbabalik ng kuryente sa typhoon-hit areas.
Subalit, nilinaw ni Office of Civil Defense (OCD) Undersecretary Ariel Nepomuceno na isasagawa lamang ang direktiba ni Marcos kung ligtas na itong gawin, upang maiwasan ang anumang aksidente.
“The power was brought [up] by President Bongbong, but the power return is not that simple… The communication should be addressed immediately. The power should be returned carefully,” pahayag ni Nepomuceno sa ulat nitong Huwebes.
“Iyong kuryente, ibinilin iyan ni Pangulong Bongbong, subalit hindi ganoon kasimple iyong pagbabalik ng kuryente dahil iyan, tinitingnan bawat metro n’yan. Hindi puwedeng madaliin iyan, kapag kasi iyan ay biglaang binuhay, baka makadisgrasya pa, pumutok o magkaroon ng aksidente. So, iyong komunikasyon, dapat kaagad matugunan iyan. Iyong kuryente, maingat na ibabalik din dapat iyan,” dagdag niya.
Ayon pa kay Nepomuceno, sinusuportahan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang OCD sa pagtitiyak ng connectivity para sa mga biktima ng bagyo.
“We are here to help you. It is a commitment from the government. Your government is here,” aniya pa sa mga apektadong indibidwal. RNT/SA