Home HOME BANNER STORY Storage warehouse sa Bulacan nasunog!

Storage warehouse sa Bulacan nasunog!

MANILA, Philippines – Nilamon ng apoy ang isang storage warehouse sa Plaridel, Bulacan nitong Sabado ng hapon, Marso 2.

Ayon kay Senior Inspector June Marcelino Isip, Municipal Fire Marshall ng Plaridel Fire Station, itinaas ang sunog sa ikalawang alarma at kalaunan ay itinaas sa ikatlong alarma.

Sa kasalukuyan ay kontrolado na ang sunog ngunit nahihirapan ang mga bumbero na tuluyang apulahin ang apoy dahil sa malakas na hangin at mga nagbagsakang bubong.

Samantala, wala namang iniulat na nasawi o nasaktan sa sunog. RNT/JGC

Previous articleOCD sa sea disasters: Kailangan ng mas mainam na response measures
Next article2 Filipino sa Japan muling inaresto sa murder