Home HOME BANNER STORY 2 Filipino sa Japan muling inaresto sa murder

2 Filipino sa Japan muling inaresto sa murder

MANILA, Philippines – Muling inaresto nitong Sabado, Marso 2 ang dalawang Filipino na kamakailan ay na-detain sa Japan dahil sa pag-abandona sa katawan ng bangkay ng mag-asawa.

Ito ang kinumpirma ni Department of Foreign Affairs Undersecretary Eduardo De Vega, sabay-sabing ang dalawang Pinoy ay iniimbestigahan na sa murder.

“We will see in the next few weeks what will be the final charges to be filed against them,” ani De Vega.

Dagdag pa nito, nakikipag-ugnayan na ang Philippine Embassy sa mga awtoridad sa Japan upang matulungan ang mga Filipino.

Nilinaw ng opisyal na nangangahulugan ang “rearrested” na sasailalim ang dalawa sa bagong criminal investigation sa hiwalay na krimen.

Sa CCTV footage, makikita ang dalawang Filipino na lumabas ng bahay kung saan natagpuang patay ang mag-asawa na si Norihiro at Kimi Takahashi, noong Enero 16, 2024. RNT/JGC

Previous articleStorage warehouse sa Bulacan nasunog!
Next articleEnvironmental groups sa Baguio LGU: Magpasa ng batas vs beauty products na may mercury