Home METRO Environmental groups sa Baguio LGU: Magpasa ng batas vs beauty products na...

Environmental groups sa Baguio LGU: Magpasa ng batas vs beauty products na may mercury

MANILA, Philippines – Hinimok ng environmental groups ang lokal na pamahalaan ng Baguio na magpasa ng ordinansa na magbabawal sa mercury-laced cosmetic products sa lungsod.

Iginiit ng EcoWaste Coalition at Zero Waste Baguio na dapat nang pigilan ng lokal na pamahalaan ang “trade of hazardous cosmetics” sa pamamagitan ng ordinansa na magpoprotekta sa Baguio City at mga residente nito mula sa mapaminsalang epekto ng naturang kemikal.

Samantala, pinuri nila ang Baguio City at Food and Drug Administration (FDA) Cordillera Regional Field Office sa pagtugon sa kanilang panawagan na inspeksyunin at kumpiskahin ang mga produkto na naglalaman ng toxic substance.

Sumulat ang mga grupo kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong noong Disyembre 11, 2023, na nagresulta sa store inspections at monitoring noong Disyembre 15. Sinundan pa ito ng operasyon nitong Pebrero 27.

“We laud the City Government of Baguio and FDA Cordillera for acting on our complaint, which we filed with the sole intent of protecting human health, the health of women and children in particular, from being harmed by mercury in contraband cosmetics preying on women desiring a lighter skin tone,” sinabi ni Aileen Lucero, national coordinator ng EcoWaste Coalition, nitong Sabado, Marso 2.

Sa kabila nito, dapat ay itigil na rin ang pagbebenta at paggamit ng beauty products na nagtataglay ng mercury.

“To put an end to this trade of hazardous cosmetics, we appeal to the City Council to include in their legislative agenda the enactment of an ordinance that will prohibit the trade in cosmetics laden with mercury and hold those engage in such unethical business liable,” pahayag ni Beki Tenefrancia, pangulo ng Zero Waste Baguio.

Ayon sa mga grupo, walo sa 10 tindahan na iniulat nila sa Baguio City government at regional FDA ay nagbibenta ng ipinagbabawal na cosmetic products.

Kabilang sa mga nakumpiskang produkto ay ang “382 pieces of three variants of Goree Beauty Cream (Goree Beauty Cream with Lycopene, Goree Day & Night Beauty Cream and Goree Gold 24K Beauty Cream), 75 pieces of two variants of Jiaoli (Jiaoli Miraculous Cream and Jiaoli 7 Days Specific Eliminating Freckle AB Set), and 44 pieces of 88 Total White Underarm Cream.”

Pitong kahon ng Diane-35, na isang unregistered drug sa paggamot ng severe acne, ay nasamsam din sa operasyon.

Ang mga nakumpiskang produkto ay may market value na P138,440 batay sa pagtaya ng FDA. RNT/JGC

Previous article2 Filipino sa Japan muling inaresto sa murder
Next articlePagproseso sa end-of-service benefits inilipat na ng DFA sa DMW