MANILA, Philippines – Nakipagkita si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa mga miyembro ng United States Congressional Delegation (CODEL) para pag-usapan ang Philippines-US strategic relationship at security alliance ng dalawang bansa.
Ayon sa United States Embassy in the Philippines, nakipagkita si Teodoro kina Representative Michael T. McCaul (Republican-Texas) at Representative Addison Graves Wilson (Republican-2nd district of South Carolina).
Si McCaul ay chairman ng House Committee on Foreign Affairs at chairman emeritus ng House Committee on Homeland Security.
Si Wilson naman ay miyembro ng House Committee on Foreign Affairs.
Bukod kay Teodoro, nakipagkita rin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga congressman mula US nitong Biyernes, Agosto 9, at nagpasalamat sa suporta at partnership ng mga ito sa kabila ng mga hamon sa rehiyon.
Siniguro naman ni McCaul kay Marcos na kasama ang Pilipinas sa kanilang Foreign Military Financing (FMF). RNT/JGC